The Garbologist Comment Exit Rewind
O Y M U S T A?! :3

1080 x 1024 res.
Hello and Welcome to my personal and official journal in cyberspace. Salamat at napadaan ka dito. Malaya kang bumisita dito kahit kelan mo gusto at malaya ka ring magbasa, magkomento at magbigay ng mga suhestyong nauukol sa mga bagay bagay na makikita/mababasa mo dito.
Paalala lang: kung may hindi ka nagustuhang nakasulat dito, maari ka nang umalis o pwede ka rin magpadala ng hate mails sa mahinanong paraan kahit gaano pa kasama 'to. Pero tandaan mo, magpadala ka man ng isang milyong hate mails, wala akong pake. Isusulat/ilalagay ko ang kahit anong gusto ko dito sa ayaw mo't sa gusto.
Paalala ulit: Ang blog na ito ay naglalaman ng maseselang salita. Bawal ang mga naglalaro pa ng Barbie at baril barilan. :)
Languages: English, Tagalog, Ilocano, Alien, atbp. (^ω^)
Online Users
Site Meter



CELLPHONE + TEXT MESSAGE = ERASE!
Tuesday, July 7, 2009
1:04 PM

Oo nga, alam ko, may mga bagay na dapoat nang kalimutan at iisantabi. Lalo na kung wala ng kwenta 'to. Pero kung mas lalo mo pang alalahanin, pwede ka pa ring masaktan at mawalan ng focus para sa kasalukuyan. Marami man itong mga bagay na 'to na hindi mo talaga magawang makalimutan, paano ka kaya makakapag move on kung magpapakulong ka sa mga bagay na dapat eh tinatapon mo na sa basurahan ng paglimot. Paano ka makakapag simula? Paano ka didiskarte para sa hinaharap? Well, eto ang pino-problema ko ngayon.

Maraming bahay galing sa nakaran ko ang hindi ko talaga maalis sa marumi kong isipan. Mga bagay na nag-papahina sa loob ko. Nakakulong ako sa mga bagay na dapat kong kalimutan at dapat kong talikuran. Mga bagay na nagsasabing hindi ako magsa-succeed at mga bagay na nagsasabing hindi ako magbabago. Mga bagay na nagsasabing hindi na maayos ang buhay kong dinaanan ng matinding bagyo ng pagsubok. Mga bagay nagbigay ng maraming kalat at dumi sa pagkatao ko. Pero ang laging nasa isip ko eh kaya ko! Kahit ano pa yung mga kinang inang mga bagay na yun! Problema noon, ngayon at bukas! Tangina niyo! Maraming solusyon para sa inyo! Lahat ng putanginang problema nalulutas! Mapa-pera, pamilya, kaibigan o sa relasyon. Pero 'di ko magagawa yun hangga't hindi ako nakakapag move on sa level 2. Bata pa ko at marami pang pagsubok at mga badtrips bago ako makarating sa last stage ng larong 'to na tinatawag nating buhay.

Pero naisip ko, para kong cellphone. Pag may load, may mga katext ako at feeling ko, 'di ako nag-iisa. Pero 'pag wala kong load, wala ni isang "beep...beep!" kundi GLOBE REWARD or INFOs. 'Pag walang signal, feeling ko ipinagdamot lahat ng mga kaligayahan ko. 'Pag low battery or dead batt na talaga, feeling ko di ko maabot ang kahit anong bagay sa mundo. Gets niyo? Ako rin hindi eh! :))

Translations / IRL meanings
1.) Walang load = I can socialize
2.) Merong load = Bored / Depressed
3.) Walang signal = Bored + Inis
4.) Lowbatt/Deadbatt = Nanglalata
5.) Snake buddy (can be seen in Games) = Karamay 'pag wala yung no. 1
at 'pag meron nga yung no. 2 pero 'di nagagamit.

Pero hindi eh! Hindi ako cellphone. At hindi ako papayag na maihalintulad sa cellphone! Meaning: higit pa sa mga list above ang papel ko sa mundong 'to. Dahil with or without these modern technology, i can learn, live, and love. Because i love my flawed yet stupendous life! Kaya sa mga taong feeling nila wala ng silbe ang mga buhay nila at hindi na sila makakapag move on dahil sa mga nakaraan nila, isipin niyo na lang na may mga bago pang lalabas na model ng cellphones, iPods, laptops, artista, kotse, politikong burat, tsismis, yosi, alak, damit, kanta, o kahit ano na maiimbento ng mga hapon at mga mangyayari sa hinaharap. Ibig kong sabihin, marami pang mangyayari sa buhay niyo. Malay niyo isa sa inyo ang makakapagpalutas ng problema ng mundo sa basura. O isa sa inyo ang magpapatunay na may elyen sa Mars. 'Wag niyong sayangin ang mga pagkakataon dahil lang sa nakaraan at sa deperesyong hatid nito. Move on! Kahit anong meron ang nakaraan mo, mapa-MMK man o mala-FPJ, isipin mo na lang - Paano mo mabibili sa Year 2035 yung costume ni Ultraviolet na nagpapalit ng kulay habang suot mo kung ngayon pa lang eh susuko ka na?! LOL!


Mahirap maghanap ng GIF na nagpapalit palit ng kulay. Punyeta!

Labels:

c1mments
ANARKOOO
Monday, June 15, 2009
8:43 PM

Tanginang 'yan! Anong magagawa ng pagpili ko ng taong mamumuno sa bayan. Sinong pipiliin ko? Kung hindi naman ako nakakasiguro kung sino ang totoo. Ang mga ordinaryong taong tulad ko na gustong makamit ang maayos at mapayapang bansa na walang alam kung ang iboboto kong tao eh may masama o mabuting intensyon sa bayan kada eleksyon. Hindi pwedeng walang dayaan, hindi pwedeng walang taong mamamatay, hindi rin pwedeng walang tao o magsulsol. Lahat sila hawak ni Satanas. Para lang maging pangulo at mahawakan ang kapangyarihang makapagnakaw ng kayamanan ng mga Pilipino. Ginagamit ang pera ng 'Pinoy para sa sariling luho. Kailan ba naging payapa ang Pilipinas? Kung kelan nabubuhay sina Lapu-lapu? Hindi rin eh. Dahil mas maraming digmaan 'non. Pero sa kasalukuyan, kailan naresolba ang kahirapan? Tanginang kademonyohan ng mga taong mukang pera! Ginagamit ang kapangyarihan para yumaman. Kaya ako, tamad talaga kong bumoto dahil wala rin namang nagagawa eh. Ganun at ganun pa rin ang sistema sa Pinas. Kung tutuusin nga mas oks pa kung mga negosyante eh. Sila pa 'tong gumagawa ng paraan at kusang tumutulong sa mga mamamayan. Para matulungan sila kahit papano sa kahirapan na dapat ang gobyerno ang gumagawa. At yung mga programang nagsisilabasan ngayon para sa 2010 Election, may nagagawa nga, pero di pa rin sapat. Kung naging maayos ang kahihinatnan ng eleksyon, makakasiguro bang ang mga Pilipino na ang taong mananalo ay walang ibang hangad kundi ang maiahon ang bansa? Walang nakakaalam. Kabataan nga ba ang nakakaalam kung sino ang karapat dapat iboto? Kilala ba nila ang mga taong dapat mamuno sa Pilinas? Kilala ba nila ang may masamang intensyon at kung sino ang makakatulong sa bansa?

Kung si Pedro ang isa sa mga tumakbong presidente, at si Lando naman ang kalaban niya. Si Pedro, tumutulong sa mga tao bago ang halalan, namimigay ng bigas, libreng bahay, at pagsuplong sa mga gawain sa kalye. Samantalang si Lando, ay tumutulong magkaron ng trabaho at magandang buhay ang mga tao. Pagkatapos ng eleksyon, si Pedro ang nanalo. Pero pagkaraan ng isang araw, siya naman ang kumukuha ng bigas, ginagamit ang pera ng gobyerno para sa mga mansyon niya, at siya na ang nirereklamo dahil sa mga masasamang gawain. Halimbawa, ang pagpatay ng mga inosenteng Pilipino. Eh kung si Lando naman kaya ang nanalo, ginamit ang pinakamataas na trabaho para sa sariling kapakanan.

O ngayon, kilala mo ba ang iboboto mo? Sigurado ka ba sa taong pipiliin mo? Sigurado ka bang giginhawa na ang buhay mo gamit ang pinanghahawakan mong boto?

SANA IKAW ANG MAKAPILI NG TAMANG PANGULO. GOODLUCK SAYO!


This entry is brought to you by:




Labels: , , ,

c0mments
PHILANTHROPY
Friday, May 15, 2009
2:49 PM

Tapos na ang bakasyon!! Hoooray! :D


Perhaps, you don't wanna read this shit dahil this is just a waste of your precious time. Pero kung umabot ka hanggang sa salitang ito, nakabasa ka na ng mahigit 25 words sa loob ng (approximately) 8 seconds (kung mabagal kang magbasa) na ngayon ay, perhaps, gusto mo ng itigil ang kalokohang ito. Pero kung binabasa mo 'to dahil bored ka lang, pareho tayo dahil bored lang din ako nung mga oras na sinusulat ko 'to. At ngayong nasa mahigit 75th word ka na, malamang na-realize mong gusto mo nang ituloy ang pagbabasa kahit hindi mo alam kung nonsense lang ba ang lahat ng ito o this could change your life which is definitely freaking impossible. Pwera na lang kung natupad ang pangarap kong magkaron ng supernatural o kahit ritual powers. Kahit kapareho lang ng powers ni Heather Graham sa palabas na Committed. But that's, again, pretty impossible lalo na sa buhay ko dahil kung magkakaron ako ng powers. Kahit ano, tulad ng pagpapahinto ng oras kahit kelan ko gusto. Pagpapalitaw ng isang bagay; example: "Kailangan ko ng remote..." (after 1 second...TING!) "Ay, nasa kamay ko na pala ang remote..". Or sa pagkakataong nasa grocery store ako, pero kulang ng P20.00 ang pambayad ko, kailangan ko ng P20.00 at sa isang pitik lang...TING! Ayan na sa kamay ko ang pera. At ang powers tulad ng teleportation na magagamit ko everytime na gusto kong magtipid ng pera at ng oras. Or ang pagkakaron ng universal remote control na katulad ng kay Michael Newman -- Ang workaholic Dad na ginampanan ng idol kong si Adam Sandler sa movie na Click na ipinalabas noong taong 2006. -- Pero sa bandang huli ng movie, Michael realized that it's evil kahit tinupad ng remote ang pinapangarap niyang future pero sinira naman ang pamilya niya. Buti na lang hindi nangyare yun dahil panaginip lang pala lahat yun. Hahahaha! Kaya hindi ko na lang nanaising magkaron ng remote ni Morty. Kahit alam kong wala kang pake sa pangarap kong magkaron ng mga nabanggit kong powers. Pero i just wanna share to you guys my thought. I've been wondering these things for my whole life. What if, ako, Kat Dela Cruz, have incredible powers, eh di, hindi sana ganito ang buhay ko. I could freeze the time to make Mom and Dad be together. O kaya magpapalitaw ako ng baril para sa mga ulo, lagari para sa mga kamay, at mga kabaong para sa mga opisyal ng gobyerno at ang pangulo nito na wala namang ginawa sa buhay ng mga taong pinag-iwanan ng mga pangakong napako at ninakawan ng PERA at BUHAY! At eto pa, if i could do teleportation, pupunta ko sa lugar kung san there is peace, problem free, stupendous life, love, yosi, beer, weed, c2, people who are perfect, kung san walang sakit, at ang lugar na 'to ay PERFECT! Perfect for me, for you, for all of us! Which is really impossible. Definitely impossible! Dahil pagkatapos kong isulat ang kalokohan at pangarap na 'to, magigising na naman ako sa katotohanan. Sa reyalidad na walang perpekto. Maraming problema, maraming kaguluhang gawa ng mga politiko. Mga oras na hindi na mababalikan, mga bagay na hindi pwedeng i-kontrol. Mga bagay na sa mga pelikula lang pwedeng mangyare.

At ngayong nasa (approximately) 551 words na ang nababasa mo sa blog ko na umabot na ng almost 168 seconds which is 2 minutes na kung mabagal kang magbasa. At dahil patigil tigil ang pagsusulat ko ngayon, dahil sa sunod sunod na mga text message na natatanggap ko na puro, "Happy Mother's Day" ang nakalagay, (Oo, nung Mother's Day ko pa sinulat 'to, at oo, sinulat. As in literal na sulat dahil nasa lugar ako kung san walang modern technology tulad ng Internet at Computer nung mga oras na sinusulat ko 'to gamit ang bolpen at lumang notebook. Lugar kung san maraming palay.) At ngayong nadagdagan ng 105 words ang nabasa mo at kung ipa-plus mo yun sa 551, approximately 656 words na. At ngayong iniisip mo siguro kung ano talaga ang ibig sabihin ng entry kong 'to, nako! 'Wag ka nang magsayang ng oras dahil kung ako nga eh 'di ko rin alam at 'di ko rin alam kung bakit "PHILANTHROPY" ang nilagay kong title ng entry kong 'to. Sobrang spontaneous at wala pa naman akong balak magdonate para sa mga kahit anong charity dahil wala akong maido-donate. Perhaps nagdonate ako ng senseless Blog entry. HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAH!

At dahil nakaka 752 words ka na....kailangan ko na maglaba-bye. :)

FACT:
Tentative yung pagkwenta ko ng words.
'Wag kang maniniwala, 'di ako marunong magbilang.

AT ISA PANG FACT:
You've read 777 words. :)


Labels:

c0mments
TEKA MUNA!
Thursday, March 19, 2009
9:23 AM

Busy days, busy week, busy month.
Blog is on hiatus.
Leave a message in my shout box
kung may sasabihin ka. :)

Labels:

c0mments
O ETO GIG.
Thursday, February 19, 2009
7:10 PM

O eto, first time kong mag design ng flyers/posters para sa isang Gig. Paki suportahan na lang mga Punks! :)





Labels: ,

c1mments
GOODSHIIT
Saturday, January 24, 2009
3:11 PM

Eh bakit ba kasi? Kasalanan ko ba? Hindi ko kasalanan kung ba't ganito ko ngayon. Kung bakit ganito katigas ang ulo ko. Hindi ko kasalanan kung bakit tatuan ang katawan ko. Kung bakit madami akong bisyo. Kung bakit umi-smoke ako ng goodshits. Kung bakit madami akong alam na katarantaduhan. Kung bakit ganito, bakit ganun. Kung bakit ganito ko lumake. Eh bakit? Hindi mo ba kasalanan? Hindi ka ba dapat sisihin? Hindi ba dapat sayo ibuhos lahat ng galit? Hindi ba dapat ikaw ang nagdudusa? Eh bakit? Sino ka ba? Ano ba papel mo sa buhay ko? Alam mo ba lahat at kung ano ang pulot dulo? Kilala mo ba ko? Kilala mo ba ko ng buong buo? Alam mo ba kung anu ano ang mga paghihirap na pinagdaanan ko na KUNG ANDYAN KA EH HINDI SANA NANGYARE YUN AT HINDI AKO MAGIGING GANITO!

Weh? Di nga? Oo naman. Nyaha. Kung pwede lang na habambuhay squat the world eh. Kung sanay lang akong kung saan saan umii-scav at tumatravel lang kahit walang arep, siguro wala ko masyadong problema. Eh kaso, kung kakaltusan ka nga naman ng malas. Eto. Isa kong mamamayan na galit sa gobyerno. Isang anarko na wala namang kayang ipaglaban kundi uminom lang ng alak at umubos ng isang paketeng sigarilyo sa isa o dalawang araw. Isang taong walang kwenta. Isang taong patawa tawa na lang kahit wala namang nakakatawa. Isang taong mga kaibigan at tropa lang ang kinakapitan. Oo inaamin ko, bandang huli sa mga magulang ko din ako babagsak. Pero hindi ko alam kung kelan mangyayare yun. PIPILITIN KONG PIGILIN NA DUMATING ANG PAGKAKATAON YUN! I SWEAR! Lumaki akong walang magulang, mamamatay akong walang magulang. Malamang.

Sermon. Para san ang sermon? Ano bang purpose ng sermon? Sermon ng magulang. Para san? Lalo na yung nakakabadtrip na salita. Lalo na yung huhusgahan ka. Lalo na yung sasabihan ka ng mga ginagawa mo DAW pero hindi naman totoo. Wala silang alam kung ano talaga ang nangyayare sa buhay mo araw araw. Lalo na yung sasabihan ka ng mga masasakit na salita at sasabihan kang adik pero alam mo sa sarili mo na hindi ka naman ganun. Na mali sila. Pero syempre, alanganamang sumagot ka pa. Alanganamang sumabat ka pa. Eh di lalaki lang yung gulo. Lalo lang iingay ang paligid ng bahay niyo at lalo ka lang mapapahiya sa mga multong nakikinig sa mga salitang ibinabato sayo ng sarili mong kadugo. Na pinagbibintangan ka sa mga bagay na hindi mo naman ginagawa. Lalo na yung salitang, "Kung saan saang damo ka humihiga." Anong point dun? Simple lang. Pokpok daw ako. Isang bitch na kung kani kaninong lalake nagpapa-putakte. HAHAHAHAHAHA! Eh kung ganun lang ako, dapat hindi ako ganito kumilos. Dapat madami akong pera. Dapat magaslaw ako. Kung sino sino dapat ang pinaparty ko ng hardcore. Kaso hindi eh. Kahit ganito ko, hindi ako basta basta magpapagalaw kung kani-kanino. Hindi ako bitch. Hindi ako whore. At mas lalong dehins ako penny hoe. TANDAAN MO YAN! KUNG SINO KA MAN!

Gusto mong magbago ko? Gusto mong magpakatino ako? I'm sorry my friend. Malabo nang mangyare yan. Tandaan mo, hindi ko kasalanan 'to. Hindi ko kasalanan ang lahat. Ginusto kong magpatattoo. Ginusto kong manigarilyo at mag-inom. Ginusto kong bumarkada sa kanila. Ginusto kong boyprenen siya. Ginusto kong pumunta sa lugar na yun. Ginusto ko yun, yan, doon, etc. Oo ako ang gumawa, pero ikaw ang dahilan at ang may sala. Tandaan mo yan. Nagdusa ko simula nung paslit at uhugin pa lang ako. Kaninong kasalanan yun? Saken pa rin ba? Mag-isip ka. Hindi lang ikaw ang nahihirapan. Hindi lang ikaw.


Ito yung babae na may weird na kulay ng buhok sa isang kiddie show sa Nickelodeon. Weird talaga siya. Pramis.


Anyway, tama na ang dramahan. Malapit nang mag Pebrero. Isang medyo maliit at malaking impact na naman 'to sa 2009 ko. Oh well, tignan na lang naten kung ano ang mangyayare sa Big Day ko. Kung sino ang susuka, kung sino ang uuwing gumagapang, kung sino sino ang mag-aaway, kung sino ang magkakatuluyan, kung sino ang mananapak, kung sino ang magbabasag, kung sino ang tatae, kung sino ang....

February 04, 2009 is the day! Kaya... ABANGAN!!!

Labels:

c2mments
OO NAMAN.
Tuesday, January 6, 2009
9:15 PM

2009; bagong taon. Bagong hayop. Bagong kaarawan. Bagong set ng schedules. Bagong araw ng dayoff. Mga bagong plano. Maraming bago. Bagong damit, bagong sapatos, bagong telepono, bagong iPod, bagong mga libro, basta maraming bagong gamit. Kaso, di ako materialistic. Hindi mahalaga saken ang mga bagay na segundo lang ang span para mapasaya ang araw ko. Hindi ko kailangan ng pera para mabuhay ako. Hindi ko kailangan ng kahit anong nasa wishlist ko. Hindi ko kailangan ng mga bagong damit, laruan, kendi o kaya set ng Bungbus Videos. Hindi sila importante. At mas lalong hindi importante yung huli kong sinabi.

Ano nga ba ang madalas magpasaya sa isang tao? Makuha ang inaasam asam nilang regalo galing sa mga magulang o mga kaibigan ang inaasahan nila ay ang latest model ng cellphone? O ang bagong labas na iPod touch my balls? O ang bagong labas na Apple ni Eba Laptop? Isa man dyan sa mga yan ang nais mong matanggap, well, ayaw mo talagang tuksuhin ka ng, "Ewww, yuck! Hindi ka sumusunod sa uso. Cheap!" Oo. Tama. Oo naman. Halos 75% ng mga tao, sunod dapat sa uso. Hindi sila papahuli. Kailangan kung ano ang uso ngayon, meron dapat sila. Eh pano kung uso ang mga namamatay? Susunod pa rin kaya sila sa usong yun para lang masabing, "Uy hindi ako huli sa uso!"

Pera. Ang pangunahin "daw" na problema ng tao. Pag wala kang pera, wala kang silbe. At tulad nga ng sabi sa kanta ng The Youth, "Kung wala kang pera, wala ka ring kaibigan." Mahirap tanggapin, pero kadalasan yun ang totoo. Oo nga, pera ang kailangan ng tao para sa mga literal na pangangailangan sa araw araw. Kailangan ng pera para sa pagkain, saplot, at tirahan. Sa sarili kong pananaw at sa pananaw din ng namatay kong kuneho na si Dimebag, maaaring mabuhay ang isang tao kahit wala siyang pera. Yun ay kung malakas ang pagtitiwala niya sa sarili na kaya niyang dumiskarte sa lahat ng bagay. Lakas ng loob at tibay ng pagkatao. Batang may laban ika nga ng mga sanggol. Yun lang ang nagpapatunay na kahit ang katotohanan na kailangan natin ng pera para mabuhay ay hindi batayan para mahalin o sambahin ang pera. Hindi pera ang lumikha sa mundo. Hindi pera ang umire sayo. Hindi ka mahal ng pera. At mas lalong hindi ka mapapasaya ng pera, kahit kelan.

Masaya ko. Masaya din siya saken. Hindi matutumbasan ng kahit anong bagay sa mundo ang saya namin sa isa't isa. Pero magiging masaya kami kung luluha ang ulap ng Redhorse. Hmmmm, sarap! At mas masarap pag hinaluan mo pa ng pagmamahal. :D





Wala na ayoko na korni na.










Labels: , ,

c3mments
GRINDCORE ANARCHY AT JINGGOL BOLS :)
Saturday, December 6, 2008
9:28 AM

Lumalamig na nga ang mga araw na lumilipas at alam kong may mas lalamig pa sa mga dadarating na araw. Pero walang kinalaman yun sa entry na 'to. Lahat ng mga tao ay nagsisimula nang mag make-up sa bakuran nila at maglagay ng mga burloloy sa kani kanilang mga tahanan. May mga makikita ka nang nakapulang mama na mahaba ang balbas na may hawak na mga regalo at nakasakay sa isang kariton na hinihila ng mga usa. At wala rin itong kinalaman dito. Gusto ko lang ikwento na first time ko sana ise-celebrate ang Pasko kasama ang mga totoo kong kapamilya. Pero hindi ko pa rin alam kung matutuloy nga. Daming nakapilang schedule. Hectic. Petiks. Asar. Kung pwede ko lang hatiin ang katawan ko ng sampung beses, ginawa ko na. Gusto kong mag celebrate dun, dito, sa kanila, sa may bandang doon. Pero kailangan ko lang pumili ng isa. Pero saan? Lahat sila importante. Lahat sila gusto kong makasama. Lahat sila...

May nakapagsabi saken minsan, hindi masaya ang Pasko kung wala ang pamilya mo sa tabi mo. May nakapagsabi naman, kung kanino ka masaya, dun ka. At may nagsabi naman, "Paki ko?" Pero sa totoo lang, wala naman talaga kong balak pumunta kung san san eh. Ang gusto ko nga eh makasama ang mga mahal ko sa buhay sa iisang lugar, sa iisang okasyon, sa iisang kasiyahan. Kaso malabong mangyare yun. Kaya magmumukmok na lang ako. Pero hindi ko gagawin yun. Magiisip ako ng paraan. Tama! Magisip ka Kat. Kaya mo yan. :)

Dec. 4, 2008: Pangalawang beses ko na 'tong nagkaroon ng pagkakataon na mapanood ang practice ng bandang 4against1. Isang Punk Local Band na binubuo ng apat na kalalakihan na hindi ko alam kung ipinanganak ba sila sa ibabaw ng Smokey Mountain. Oo tama, isa sa kanila, kabiyak ng aking atay este puso pala. Masaya silang kasama. At syempre masaya silang kainuman. Joke lang. Masayang maki-jam sa tugtugan nila lalo na't naa-appreciate ko ang genre na tinutugtog nila. Duguan nga lang ang biyahe papunta sa lugar kung saan sila kadalasang nagpa-pratice. Pero ayos lang, sulit naman dahil masaya. At kahit iillang beses ko pa lang nakasama ang ilan sa bandang 'to, madali ko silang nakasundo. Hindi ganun kahirap makibagay sa kanila at hindi mahirap ang paghingi sa kanila ng yosi pag ubos na ang kaha. Minsan sama ka para cool.

Sana nga magkaron ng pagkakataon na makasama naman ako sa mga upcoming gigs nila para naman kahit papano eh magkaron ng silbi ang camerang madalas na hinahawak hawakan ko. Gusto ko nga magkaron ng ganung pagkakataon eh. Para naman mahasa ang conceptual shots at imagination ko. Hindi ko alam kung paano ko gagawin pero pag nandyan na, matignan na lang kung aandar ng kakaiba ang adrenaline rush ng katawan ko. Kung meron man..

4against1: (from left to right / nicknames lang 'to)
Nunuytambol / Macbass / Caloyboses / Patinggitara
More pictures here.

Labels: , , ,

c2mments
18th COMET
Tuesday, November 4, 2008
11:21 PM

Naranasan mo na bang mag-stay buong gabi sa bubong ng bahay niyo? O di kaya nakahiga sa damuhan habang pinapanood ang mga nagkikislapang bituin sa maitim na langit? Narasanan mo na ba ito ng mag-isa, kasama ang mga barkada o kasama ang minamahal? Pero ang mas masarap sa mga ganyang sitwasyon, ay ang makakita ka ng shooting star out of the blue at humiling ka ng isang nonsense na wish tulad ng "Sana maging pogi ako.." na hindi naman nagkatotoo pero nakatagpo ka naman ng isang taong mamahalin ka hanggang sa maubos ang mga tala sa kalawakan. :)

Naranasan mo na bang pumunta sa isang lugar na hindi ka handa sa mga posibleng mangyare. Oo nga, masaya yung mga tipong adventures talaga. Lalo na yung biglaan. Yung wala talagang plano. May pera ka man o wala. Basta al
am mong masaya yung pupuntahan mo. Party lang. Walang hassle. Wala kang iisipin kundi ang magpakasaya. Pero pano kung sumama ka na lang basta basta sa isang imbitasyon papunta sa lugar na wala kang kasiguraduhan kung ligtas ka sa paroroonan mo, kung itutulak ka sa bus o kung ipapakain ka sa mga wild carabao sa daan. Lalo na kung probinsya na hindi mo alam kung gagawin kang sacrifice sa mga kulto. Nangyare na saken yan. Isang araw ng Myerkules buwan ng Oktubre. Nakilala lang namin siya apat na araw bago nung araw na yun. Kinumbinsi ko ang sarili ko na magiging masaya yung bakasyon na yun. May halong takot dahil dalawa lang kami. Gusto ko sanang isama yung tropa ko kaso...

Masaya naman pala! Hindi pagkakamali ang pagkumbinsi ko sa sarili ko bago pumunta dun sa lugar na yun. Maayos ang pakikitungo saken ng mga tao dun. Mababait sila. Maganda ang lugar at tanawin. Maaliwalas ang hangin tuwing umaga at tuwing dadating ang pagdilim ng kapaligiran. Gala ang mga pato at manok kung san san lang. Maraming palay. Maraming berde sa paligid. Maraming puno at sari saring tanim ng mga gulay. Maraming dumadaang kalabaw. May mga sakay itong nilalang na nakasuot ng pantalong nakatupi ang dulo, may suot na sombrero na ginagamit sa pagbubukid, at may t-shirt na nakasaplot sa buong ulo. Hindi ko alam kung ano ang gamit nung t-shirt na yun pero sa tingin ko, pogi naman. Cool! Akala ko nung una, tatlong araw lang ang itatagal namin dun. Pero hanggang sa dumating ang deadline, bigla akong napasabi ng, "Extend pa tayo men!" at hanggang sa umabot kami ng limang araw. At sa loob ng limang araw, dun ko na lang napansin na napakasaya ng mga araw na na-spend ko kasama siya. Masaya ang bawat oras na wala kaming ginawa kundi magkwentuhan, magtawanan, lumamon, umubos ng dalawang kaha ng sigarilyo sa loo
b ng bentekwatro oras, mag-aliw aliw sa ilalim ng galit na araw, mag photoshoot sa ilalim ng puno ng ibong adarna, at magpatintero sa ilalim ng ilog. Oo, masaya ko at hindi ako nagsisisi sa pagsama sa kanya sa kanilang probinsya. Masaya rin ako at nagtiwala ako sa kanya. Ipinagkatiwala ko ang buhay ko. Hindi nasayang ang oras ko na dapat ay iginugol ko sa trabaho. Hindi nasayang ang paggamit ko sa slot leave ko. Hindi nasayang pera ko. Hindi nasayang ang....

Kunsabagay, siguro madalas na rin mangyare ang mga ganung pagkakataon sa panahong 'to. Pero hindi lahat ay magkakatulad ang mga sitwasyon. May mga bagay na unique talaga. May mga bagay na hindi mo inaasahang mangyare. May mga pagkakataon na mamamangha ka. May mga bagay na hindi mo makakalimutan. Dahil lang sa isang adventure na hindi mo ginusto at hindi mo rin inayawan pero masasabi mo talagang, "Sana maulit pa 'to..."

Nakilala ko siya sa isang selebrasyon ng kaarawan. Sa loob ng limang oras na inuman, kami'y nagkatinginan. Natawanan sa kawalan. Hanggang sa naubos ang sigarilyong tanging source ng humour. Hanggang sa nagkayayaang bumili ng yosi. Hanggang sa wala na palang bukas na tindahan. Hanggang sa nagkahawakan ng kamay sa gitna ng mahaba at madugong paglalakad sa kalye ng alas singko ng madaling araw. Hanggang sa lumalim ang usapan. Hanggang sa bigla bigla na lang nangyare ang lahat. Ang dalawang oras na mutual understanding ay nauwi sa commitment. At ang simula ng kwento ay ganito.

Sa gitna ng inuman, sinabi ni BOY 1 na may mga niyaya siya at parating na ang mga ito.
Ang sabi ni BOY 2, "Sige sige pare papuntahin mo."
At habang naghihintay ay nakakita ang buong tropa ng shooting star
Nag-wish si BOY 2 na sana daw ay pumogi siya.
Ilang sandali na lang, ang mga niyaya ni BOY 1 ay dumating na.
Ipinakilala ang mga bagong dating sa buong tropa.
Naglabas ng mas maraming alak. Nagsimula ang lahat na magpakilala.
Ang sabi ni GIRL 1, "O ayan! Naging pogi ka na!"
May permanenteng drawing sa braso ni BOY 2.
May mga guhit itong tatlong bungo, tatlong tala ngunit walang buwan.
Gulat siya dahil ang isa sa mga niyaya ni BOY 1 ay may ganito din.
Walang bungo, wala rin buwan, kundi limang bituin.
Hindi nila trip ang isa't isa.
Tamang tropa lang talaga.
Ngunit sa kalagitnaan ng inuman.
Sila ay nagkatinginan at nagtawanan.
Ang mga pangyayare ay talaga namang hindi nila inaasahan.
Hanggang sa dumating ang oras na nalaman ni BOY 2 at napagtanto
Na ang babaeng ito ay ang magiging kabiyak ng kanyang mga tato.
At ang mga bituin nila sa katawan.
Ay ang mag-uugnay sa kanilang pag-iibigan.

Nakakagaan ng pakiramdam pag nakakita ka ng bulalakaw. May mga nagsasabi na pag nakakita ka ng shooting star sa gitna ng kawalan ng kalawakan, maaari kang humiling ng kahit ano. Pero pagkatapos mong humiling, wag mo daw dapat ipagsasabi kung ano yung bagay na winish mo kasi hindi daw magkakatotoo yun. Pero sa totoo lang at totoo naman talaga dahil subok na namin, eh sabihin mo man o hinde, nasa sa'yo na lang ang faith kung maniniwala kang mangyayare ang hiniling mo. Pero kung walang nangyare paglipas ng sampung dekada, magtiyaga ka na lang maghintay ng isang libong lightyears bago magkatotoo yung wish mo. Eh ikaw? Nakakita ka na ba ng shooting star? Ilang beses na? Nag-wish ka ba at ito ba'y nagkatotoo? Saan, kelan at paano? Kung oo ang sagot mo, kumuha ng isang papel at gumawa ng essay. Gawin ito habang nagdedeposit sa paborito mong trono at ipampunas ng pwet pagkatapos. :)

P.S.
Para kay Macmac. Salamat sa mga masasayang araw nating adventure sa masayang lugar na 'yun. Alam kong may kasunod pa. Alam ko rin na may mas sasaya pa.

Labels: , ,

c5mments
BAKA PWEDE NA..
Thursday, October 2, 2008
12:40 PM

BAKA PWEDE NA NATING GISINGIN YUNG KUMANTA NG
"wake me up when september ends."

Ahahaha. Ang korni amp. 'Yan ang korning joke quote na sinend saken kahapon ng tropa. Benta naman siya saken nung unang basa ko. Ewan ko na lang sa iba. Ang mga quotes kasi, parang pag lagi mong binabasa malamang lalaos sa isipan mo. Pero pag wala kang load at walang ka-text, walang mapanood sa TV, walang mabasang magazine, walang kuryente, walang internet, walang games sa computer, walang bala sa PS2, walang kahit ano. At lalo na pag bored ka, kahit basahin mo lahat ng mababasa sa cellphone mo kahit 'yung mga templates na: See you in, See you at, I'll be there at, The meeting is cancelled, etc. At pwede mo lang 'yang basahin pag nabasa mo na lahat ng libro sa bahay niyo. Pwede mo na rin pagtiyagaan yung mga coloring books o text books ng mga nakaka bata mong kapatid kung wala ka na talagang choice. Pero mabisa talaga yung mga quotes. Wala nang tatalo dun. Mas oks pa nga 'yun kesa gumawa ka ng wala eh. Nakatunganga. Nakatingin sa kisame at nanonood sa mga butiki na nag-boboksing at nagpa-patintero. Hindi ka pa pagbibintangan ng nanay mo na adik kasi mahuhuli ka niyang nakatingin sa kawalan. Mas oks na yung pagbabasa ng mga quotes kahit paulit ulit. Lalo na mga joke quotes! Pwede mo pa siyang ipagkalat sa mga tropa mo pag-inuman. Kaso siguraduhin mong hindi pa nila nababasa 'yun para ikaw ang bida.

Anong oras na! May pasok pa 'ko. Nak ng tinapa.

Labels:

c4mments
PAPEL AT BOLPEN
Tuesday, September 23, 2008
5:58 PM

Maraming oras ang pwede mong masayang sa pagtutunganga. Maraming bagay ang pwede mong gawin sa halip na gumagawa ka ng wala. Paano kung may isang bagay na gustong gusto mong gawin pero hindi mo pwedeng gawin o wala kang pagkakataon para gawin? Gagawa ka ba ng paraan para magawa ito? O ipapaubaya mo na lang sa panahon ang kagustuhan ito?

Isang araw sa isang tahanan sa lungsod na bulubunduking Antipolo. May isang dalaga ang binigyan ang kanyang sarili ng trabaho. Walang requisite na interviews dahil hindi na kailangan mag-apply at hindi kailangang magpasa ng resume. Walang sweldo. Walang opisina. Walang requirements. Walang over time. Walang deadline. Walang oras ng pagpasok at hindi uso ang late. Walang boss. Walang mga office mates. Utak at sipag lang ang puhunan. Tinanggap ng dalaga ang trabaho na ibinigay ng kanyang sarili. Ginusto niya yun. Sikap at tiyaga lang talaga, matatapos niya din ang trabahong 'yon. Pwede niyang dagdagan o tigilan. Pwede rin sumuko. Depende sa panahon. Si pareng panahon na lang ang makakapag sabi kung mag-reresign ba o pang habang buhay na.

(¬_¬) Bago ilabas ang bunga ng trinabaho niya, marami pa siyang dapat tahakin at pagdaanan. Kailangan niya ng mga tao na magiging bida sa proyekto niya. Kailangan niya rin ng taong tutulong sa kanya para mailabas ang produkto. Kailangan din ng pera bilang isa sa mga basic na puhunan. (kahit sa panahong ito ay pera ang pinaka impediment). Importante din ang laway dahil dito magsisimula ang negosyo. Pero suporta lang ng mga kakilala ang unang una nitong matatanggap sa simula. Depende kung maganda ang kalalabasan, depende rin kung itatapon na lang sa bundok ng Smokey Mountain. Kung sabagay, hindi pa pulido ang kaalaman para sabihing matatapos agad ang proyekto. Tulad nga ng sabi ko, madami pang kailangang pagdaanan bago matapos ang proyektong ito.

May mga taong naniniwalang maganda ang kalalabasan nito dahil sa concept pa lang ay mukhang matatanggap na ng mga tao. Marami din ang nagbibigay ng advice at marami ang ngayon pa lang ay nagbibigay na ng advance na pag-suporta. Nakakatuwang isipin dahil ginagamit nila ang imagination nila para makita ang kalalabasan ng produkto. May mga ilan na nagsasabi na baka impluwensya lang ito ng mga sikat na pangunahin at professional sa ganitong klase ng trabaho. Tama sila kahit papaano. Pero hindi impluwensya yun, kundi isa sa mga inspirasyon. Marami sila, hindi lang isa, dalawa o tatlo. Basta madami. Wala na nga sa kalendaryo ang bilang eh. Pero kung sakaling matapos na 'to, tanggap at welkam na welkam ang mga komentong hindi pwedeng mawala sa ganitong klase ng trabaho. May matutuwa, may maiinis, may iidolo at pwedeng gagawing pang punas ng pwet pag hindi nagustuhan. Ngayon pa lang, tinatanggap na yun ng dalagang handa na sa hamon ng Fear Factor: Sabog Edition.

Abangan niyo na lang!

September 29, 2008 at 1:51 am
May bago akong sinalihang community. Para siyang Twitter kaso mas cool 'to. PLURK! Register ka na rin. :D

Labels: ,

c5mments
MGA BAGONG MINIMITHI
Sunday, September 14, 2008
4:37 PM

Ang mga nadag-dag sa aking mga pangarap. :D

GUITARS:
Kerry King Signature B.C. Rich
Rusty Cooley Dean RC7G - 7 String Guitar
EW Series - Acoustic
ART - Electric
Joe Satriani Prestige - Electric

HARMONICA:
Hohner 55/80 Echo
Lee Oskar Major Diatonic

VANS:
Womens Cali | Dommie
Skate Lifestyle | Whip 2

SKATEWAREHOUSE.com
DECKS:
Darkstar Cross
Black Label Leeper Mind Melt
Zero Jamaican Punk
Zero Break The Bank
TRACKS:
Independent Stage 9 Standard
WHEELS:
Alien Workshop Spectrum
Black Label OG Elephant Fade
Ricta Lutzka Chrome Core
Spitfire Softer 97D
TOOLS:
Spitfire Bearings
HOODIES:
Black Label Chomp Pullover
Girl Main Flannel
Foundation Gough Star
Ezekiel Girl's Jordan Quilted
Matix Girls Asher Rochelle
Volcom Girl's Animal Style Quilted Hoodzip
DC Girls Kingsley
Element Girl's Redlands
SHIRTS:
Split Distress Flannel
Alien Workshop Nebula Girl's Premium
SHOES:
DC Command
Beloe Stitch
Beloe Motto
DC Girls Chelsea Carbon
HATS/BEANIES:
Element Girl's Glenda Tam
Element Girl's Sable
Element Girl's Juniper
WATCHES:
Nixon The Small Scout
BAGS:
Matix Ledger
Split Corey Duffel Print

Labels:

c3mments
LSS
Thursday, September 11, 2008
8:49 PM

05-11-08 at malapit na mag 10pm.
Ita-try kong kalimutan ka.
Kahit alam kong mahirap.
Maraming salamat sa lahat, goodluck.

"It's time to kiss away the tears goodbye.."
With A Smile - Eraserheads

Labels:

c3mments
PANDESAL AT LO MEIN NOODLES
Tuesday, September 2, 2008
7:51 PM

Bawat tao may kanya kanyang istorya ng buhay. Pero may nakaisip na ba kung bakit naging taong grasa si Mang Lando? Bakit nga ba humirap si Aling Marites na dati ay Donya sa kanilang probinsya. Bakit nga ba naging karpintero na lang si Mang Pancho eh dati naman kasing yaman niya sa Bill Gates. Bakit ba sa ilalim na lang ng tulay nakatira si Mang Erming at ang sampu niyang mga anak eh dati nakatira sila sa pinaka malaking mansyon sa planeta ng..ano..hindi ko alam. Lahat sila may kanya kanyang istorya kung bakit naging ganun ang buhay nila. Lahat sila may pinagdaanan at pinagdadaanang kahirapan. Subali't sa kabila ng kanilang paghihirap, may mga taong mahihirap ang bigla bigla namang yumayaman. Tulad na lang ni Aling Timang, dati dati isa lang siyang hamak na taga benta ng monay sa kanto, pero ngayon isa na siyang bilyonarya, dahil din sa monay. Si Mang Alberto, dating magbabalut pero ngayon may-ari na siya ng pinaka malaking building sa may kanto at mayaman pa kay Mang Pancho. Yung fan ni Piolo Pascual, dati lang siyang nagbebenta ng mga pekeng relo sa may Recto, pero ngayon siya na ang may-ari ng pinaka malaking kompanya ng relo, ayun, peke pa rin naman pero bilyonaryo na siya dahil dun. At marami pang ibang tao ang dating mahirap pero ngayon sobrang yaman na. Ganun talaga ang buhay, minsan naghihirap ka. Pero pagkalipas ng isang milyong pagsisikap sa korapsyon, este pagsisikap na makaahon, nasa taas na sila ngayon. At syempre alam kong alam mong lahat ng yan ay imbento ko lang. Pero alam ko rin na naniniwala kang may mga ganyan talagang pangyayare.

May mga taong pinanganak na mahirap at nakatira sa tabi ng putik at kanal. Mamamatay din silang nandun pa rin sa putik at kanal. May progress nga lang yung putik kasi sementado na at yung kanal, may takip na. May mga tao namang pinanganak sa luho at mamamatay din silang gawa sa ginto ang karo nila. Pero may mga tao namang nabubuhay na hindi naman sila mahirap, at hindi rin naman sila mayaman. Yun ang mga taong nasa neutral lang ang buhay. Pwede sila sa hirap, pwede rin silang humiga sa kama na puro isang libo ang cotton. Eh ikaw? Nasaan ka? Ikaw ba ay mahirap? Mayaman o katamtaman lang. Kung mahirap ka, asal ewan ka ba dahil hindi ka nag-aral sa Ateneo at hindi mo pa natitikman ang Lunch Buffet ng Jade Palace Restaurant? Kung mayaman ka, matapobre ka ba at lahat ng suot mo ay pinagmamayabang mong galing Paris at kahit nasa bahay ka lang, naka stiletto ka pa at ang baon mo pagpumapasok ka sa eskwelahan mong La Salle, eh isa hanggang dalawang libo bawat araw. May nagsabi saken na dalawa daw ang klase ng mga taong hindi mayaman, hindi mahirap o yung mga taong neutral. A.) nangangarap maging mayaman. B.) Sana tatlong beses sa isang araw pa rin sila makakakain ng meals. Kung ang pamilya mo ay neutral, anong klase kayo? A o B? Ako? Hindi ko masasabi eh. Pwedeng A at B sa kadahilanang mahirap talaga ang buhay ngayon ng bansa naten. Pero kung ako lang ang tatanungin, at sariling opinyon lang, sanay ako sa hirap pero minsan na rin akong nakapasok sa Manila Hotel at natulog ng dalawang araw doon. Alam ko nayabangan ka sa huli kong binanggit pero tulad nga ng sinabi ko sa taas, mya mga taong neutral ang nakakatikim ng hirap at yaman. Doon mo na malalaman kung anong klaseng pamilya ang meron ako.

Sa kabila ng lahat ng paghihirap ng tao, nakuha ko pang ikwento ang nangyare sa Reunion Concert ng Eraserheads. O diba anlapit ng koneksyon. :) Dahil sa pinagdadaanan ni Ely Buendia sa buhay niya, naputol ang kasiyahan sa The Fort. Maganda ang umpisa. May countdown pa na parang akala mo eh nagbibilang at naghihintay na dumating ang segundo para mag-New Year. Buti na lang at hindi nila masyadong dinismaya ang mga fans dahil tinuloy pa ang tugtugan sa isang bar sa Makati.



May mga nagsasabing masaya pa rin kahit ganun ang nangyare kay pareng Ely. May mga nagsasabi namang mukha siyang pera. May mga nagsasabi din namang nagi-inarte lang. At may mga naaawa din naman. Sari saring opinyon ang ang naguusap usap ngayon sa mundo ng Pinoy Bands. Sari sari din ang tsismisan. Pero kahit hindi ako nakapunta at hindi ko nasaksihan ang kasiyahan ng 60 thousand fans na dumalo sa concert, alam ko at nararamdan kong may kasunod pa yun. Yun ang sabi ni Gizmo at ang lumalabas ngayon sa pambansang balita. Oh well, good luck na lang sa mga fans ng Eheads at get well soon Ely. :]

Nakapunta ka na ba sa ibang bansa? Tumira ka na ba sa bansang yun? Gaano kaganda ang tanawin sa tuktok ng Eiffel Tower? Ilang buwan na lang ang bibilangin ko. Makikita ko na rin kung gaano kaganda ang tanawin dun sa tuktok ng nasabing tower. Totoo kayang madaming pogi dun at mga tsiks kahit sa paningin nila ay kasing ganda lang ni Pokwang ang kapwa nilang French pero sa tingin ng mga Pinoy, isa na silang dyosa. Lol. Malalaman ko din yun. Pero sa ngayon, uumpisahan ko na ang pamamaalam sa mga taong mahal ko. Sa mga taong tumulong saken. Sa mga taong sinamahan ako sa gitna ng mabahong paraiso. Sa mga taong umaway saken at humamon ng suntukan. Sa mga taong nagpatikim saken ng masarap na pandesal sa tindahan sa may kanto ng Aurora Hill. At sa mga taong kumunbinsing mag ibang bansa na daw ako. Salamat sa inyong lahat. Di bale, pasasalubungan ko kayo ng snow.

P.S.
Makakapaglaro pa ko ng isang libong game ng DotA bago makaalis ng bansa. :)

Labels: , ,

c3mments
OUR 3RD TO INFINITY <3
Wednesday, August 13, 2008
11:52 AM

Late greeting message.

August 11, 2008 - 10pm
I LOVE YOU with all I've inside me. Di magbabago yun. You inspired me to move on and change my life. Kasi you're a good instance of certain things eh, you're my mentor. And beneath your brute exterior, you're a seething mass of passion. At syempre makakalimutan ko bang sabihing our nonstop resemblances makes me love you more, everyday.

Thank you for everything Giz. I'll endure all burden and wait 'til we would be together. I know you'll hold on, and I'll hold on to you forever. I will never let go, never!



Aug. 01, 2008
SUNOG BAGA
I should never buy a cigarette from a local store. Certain sellers always ask me about my age. LOL! They are way too weird. And it doesn't really matter at all because eventually, they would still sell me one. Duh the duh? They are way too weird. Weirder than the freaking violet dumb dinosaur. Why bother a care? Even the cearbears don't care. EVEN MY DOG DON'T FUCKING CARE (assuming na may aso ako.) 8-}

Labels: ,

c3mments
ATROCIOUS
Saturday, July 19, 2008
8:04 PM

Kung tatay kita at na-click mo yung status ko na may link sa Yahoo! Messenger, para sayo talaga ‘to. Bakit ko sinusulat dito? Gusto ko eh. Ilang years ang hinintay ko at pinagtiisan bago kita nahanap, nakita at nakasama? Mali bang maghanap sa sariling ama na hindi mo nakita/nakasama simula nung itinae ka sa mundong ‘to? Pero hindi yun ang isyu ngayon. Oo nga, ngayong nasa puder mo na ko, sa tingin mo ba lahat ng mga bagay na ibinibigay mo saken eh sapat na? Asan ang sinasabi mong pagpapahalaga? Asan ang sinasabi mong pagmamahal? It’s too hideous to say these things to my own father. Am I just over reacting? Am I over analyzing things that I shouldn’t have to do in the first place? Bakit nga ba sinusulat ko pa dito ‘tong mga walang kwentang bagay na ‘to? This is just a phase that nobody could understand. At kung ikaw man ang tatay ko, mas lalong hindi mo maiintindihan. Hindi mo ko kilala. Mas lalong hindi mo alam ang mga pinagdaanan ko. Sa tingin mo ba magiging ganito ako kung lumaki akong may mga magulang? Hindi mo lang alam kung gaano kasakit saken ang magtrabaho para lang makakain at mapag-aral ang sarili ko. Sa murang edad natuto na kong tumayo sa sarili kong paa dahil wala akong magulang para magbigay gabay saken. Sa bawat kalaro kong bata, lahat sila may mga magulang. I’m a shithead that has a lot of insecurities. I envy every single kid in town who has a perfect circle of family. Hindi mo lang alam kung gaano kasakit sa isang estudyante na makakuha ng medalyon sa graduation na wala man lang magulang para isabit yung medalyon na yun sa pawis pawisan kong leeg. (Kahit alam kong nayabangan ka saken sa huli kong sinabi) Masakit saken isiping may mga magulang nga ako, hindi pa sila patay, pero asan sila? Oo masyado akong emosyonal ngayon. Kailangan kong ilabas ‘to kahit dito lang sa pagsusulat ko. Baka maabutan niyo ko sa Psychiatric Institute pag hindi ko nailabas ang mga sama ng loob ko. Minsan nga iniisip ko, kung isusulat ko ‘tong mga bagay na ‘to dito sa maliit na espasyo ng napaka laking mundo ng internet, isa o dalawa sa sampu ang makakabasa nito. Depende pa sa makakabasa kung ano ang magiging tingin niya saken pagka tapos niyang mabasa ang mga naisulat kong ‘to. Pwedeng magbigay siya ng isang magandang komento. Pwede ring bumaba ang tingin niya saken. Wala naman talaga kong pakialam. Basta alam ko, may kamay at paa ako (that makes a lot of sense) Pero kung ikaw ang tatay ko, maiintindihan mo kaya ako? Mahal na mahal kita at kinumpleto mo rin ang buhay ko. Lalo na nung nakita na kita at nakasama after how many goddamn years. Wala akong pakialam kung tanggapin mo man ako bilang anak mo o ipagtabuyan mo ko. Ang importante, nakita na kita. Pero HINDI MO KO MASISISI kung naging ganito ako. Kung lumaki akong ganito. Yun lang. Hindi mo talaga ako masisisi. Hindi mo rin dapat sisihin ang sarili mo. At yung mga utang mo saken simula nung ipinanganak ako? Hindi naman dapat maging material ang ibayad mo eh. Pagmamahal, pagaaruga, at pagpapahalaga saken bilang anak mo ang dapat mong ibayad.

Outcast ako sa pamilyang ‘to. Dahil ano? Dahil ba sa marami akong vices tapos kayo non-vices-exploitation? Pinipilit kong magbago at makibagay sa pamilyang ‘to. Pero kayo pa rin ang nagpu-push saken palayo sa gusto niyong mangyareng pagbabago. Ipinaparamdam niyo pa nga sakeng dahil illegitimate ako, di ako bagay dito. I’m too atrocious sa paningin niyo. Kailangan ko bang maging perpekto para ma-meet ang napaka taas niyong expectations? I don’t need your money, I need you to believe me that I can be successful despite of having too many flaws and impurities. Masama ba kong tao sa paningin niyo? Si Auntie Ellen, napakabait niya saken. Wala na kong masasabi pa sa kanya. Pero may minsan na parang she's silently discriminating me. Dahil ba sa marami akong tato eh adik na ko? These tattoos represent my personality. Alam ko hindi nadadaan sa tattoo yun. Pero behind those tattoos are traumatic misadventures. Mga bagay na napagdaanan ko sa murang edad. Hindi niyo ko masisisi kung bakit naging ganito ako. Kaya kong magbago, oo, ako lang ‘tong hindi nage-exert ng effort para magumpisang magbago. Bakit? Dahil walang naniniwala. Pero napagisip isip ko rin, kailangan ko talagang mabago ang sarili ko para ma-prove sa inyong mali kayo sa pagkakakilala sa kakayahan ko.

Bisyo? Maraming successful and wealthy high profile people ang may mga bisyo. Pero yun ang point, hindi sagabal ang mga bisyo sa pag-abot ng pangarap mo. Lalo na kung hindi mo hahayaang masira ang pangarap mo dahil sa mga bisyo mo. Pwera nalang kung nagda-drugs ako diba? At isa pa yun, kahit ganito ako kagago at katarantado, never akong nalulong sa masamang bisyo. Buong buhay ko, tinatak ko sa isip kong hinding hindi ako gagaya sa mga taong wala na ngang laman ang utak, malululong pa sa bawal na gamot. Hindi naman sila popogi pag nagdrugs sila. Mas masarap pa ngang maadik maglaro ng RF Online kesa sa drugs eh. Tsaka alam niyo, weird ‘to pero totoo. I had proven it myself. Alak at sigarilyo lang ang katuwang ko sa buhay. Pag may problema ko, hindi ako nagwawala. Alak at yosi lang, solve na ko, antok na lang ang hihintayin ko para matapos ang nakaka istorbong problema. Kinabukasan, makakaisip na lang ako ng solusyon. Thanks to pareng Redhorse for the company. Sila lang ang nakakatulong saken maliban sa mga totoo kong mga kaibigan. Bakit nasabi kong alak at sigarilyo lang ang katuwang ko sa buhay? Bakit? Pagka ba may problema ako o mukang malungkot at may dinadamdam, may nanay o tatay ba na nagtatanong, “Anak, may problema ka ba? Tara bili kita kendi para di ka na malungkot.” Nagaral ako, hindi man ako matalino, may mga alam pa rin ako. Alam ko ang tama sa mali. Kaya kong abutin ang mga pangarap ko. Kaya kong maging successful kahit wala na kong baga dahil sa sigarilyo o may cancer na ko sa atay dahil sa alak. Kaya kong maging successful kahit maghapon akong nag-iinternet (actually mas reliable pa nga ang internet pagka maghahanap ka ng trabaho eh). Kaya kong maging successful kahit madami akong barkada. At sa totoo lang, barkada nga lang ang nagpapalakas ng loob ko eh. Sila ang nagko-comfort saken. Sila ang mga taong naniniwalang kaya ko. Sila ang mga taong nakakakilala saken. Kilala nila ko ng buong buo at wala silang nasabing masama sa mga ginagawa ko dahil naiintindihan nila ko. Tama nga ang sinasabi ng ibang tao. Mas kilala ka pa ng tunay mong kaibigan kesa sa mga kadugo mo. Totoo nga. Tama nga. Hindi nga sila nagkamali.

Pero out of nowhere, naisip ko bigla. Ano nga ba ang mahihita ko pagkatapos mabasa ng mga tao ang isinulat kong ‘to? Walang mangyayare. Some people might just neglect this, some might give irrevocable advices. Pero kung tatay ko kaya mismo ang makabasa nito? Sa tingin mo ba ang gagawin niya ay:

A) deadma. walang narinig o nabasa

B) kakausapin ako at lilinawin ang lahat

C) mamamasyal sa buwan kasama ng mga elyen

D) ilalagay ako sa sako at isasabit sa puno

E) ibibili ako ng lollipop choco strawberry flavor pampalubag loob

F) none of the above

Isipin mo, kung ikaw ang nasa katayuan ko ngayon, anong gagawin mo? Umupo ka sa isang sulok, mag-imagine na ako ikaw. Magisip sa loob ng sampung minuto at isolve ang IQ test na pinorward sayo ng teksmeyt mo.

Isa, dalawa, tatlo. Minsan, para kong tangang nagbibilang. Pipikit ako. Hihiling na sana ibang tao na lang ako. Sana nasa ibang katayuan na lang ako. Sana hindi ako si Kat Dela Cruz. Sana isa kong anak ng bilyonaryo na walang kaproble-problema. Sana lumaki akong buo ang pamilya. Sana lagi akong masaya. Sana isa kong importanteng tao na pinapahalagahan ng lahat. At sana hindi mangyare yun. Bakit? Kung nangyare yun, hindi ako matututo. Hindi ko mare-realize ang mga bagay bagay. Hindi ko malalamang bawal pa lang tusukin ng lapis ang kaklase sa mata. Hindi ako matututong tumayo sa sarili kong paa. Hindi ako matututong masaktan, hindi ako matututong magpatawad. Hindi ko malalamang bawal o masama pala ang mainggit. Siguro kung anak mayaman ako, isa kong matapobre at sinasabi ko dapat sayo ngayon na ang cheap ng relo mo, japeyks ang sapatos mo at hindi kita kalevel. Buti na lang nabuhay akong si Kat. Ganito lang ako pero mabait ako ng bonggang bongga. Kaya ikaw, mag-imagine ka ulit. Kung wala kang problema sa buhay, matututo ka ba? Kasing lambot ba ng Gelatin ang puso mo kung hindi ka marunong magpatawad? Gaganda o popogi ka ba kung hindi ka marunong ngumiti ng totoo? Magaamoy goma ka ba kung plastic ka at lagi kang nagsisinungaling sa sarili mong nararamdaman? Mag-isip kang mabuti. Ilagay ang mga naisip mo sa isang Manila Paper at sunugin. :D

Minsan, at maraming beses na. Nag-commit akong magpakamatay. Pero nung gasgas na yung blade at yung lubid, naisip kong nakakasawa din pala. Lalo na kung paulit ulit pero wala namang nangyayare. Hindi naman nakakatulong at lalong hindi naso-solve yung problema ko. Sabi nga nila, “Quitters never win.” Kaya, TANGA LANG ang mga nagpapakamatay pero hindi naman namamatay. Tanga din yung mga natutuluyan. Mas lalong tanga yung mga nagpaplano pa lang. Losers. Shitheads. Pathetic weaklings. Alam ko, dahil ganun ako dati. Ngayon, kung ikaw ako. Magugustuhan mo ba sarili mo? Ewan ko, kasi ako mahal ko ang sarili ko. Hindi ko pa talaga kilala ang sarili ko pero alam ko kaya kong matupad lahat ng pangarap ko. Ang pangarap ko lang naman eh ay ang magkaron ng pangarap sa buhay. At pangarap ko ding maging isang successful na Psychologist. Hindi ako nagsisisi kung bakit ibang kurso ang tinapos ko. Nanghihinayang lang ako sa pera na nagastos noon. Kaya pag may trabaho na ko, magi-ipon at maga-aral ulit ng kolehiyo. Plano pa lang yan na muntik na maumpisahan. Pera lang talaga ang impediment. Kung naniniwala kang kaya ko, salamat. Kung naniniwala kang hindi ko kaya at mau-uwi lang lahat ng pangarap ko sa truck ng basura na humihinga ng napakabangong amoy, salamat pa rin. Dahil naniwala kang hindi ko kaya. Sana masaksihan mong mali ka, balang araw. Makikita mong mali ka. Salamat sa oras ng pagbabasa mo sa napakawalang kwentang salaysay na 'to.

Nag-enjoy ka sana. Sa uulitin. :]

Labels:

c9mments